Almost a year of absence, what have I been up to? Work, pathetic. Anyhow, am back and it feels great, well not that great, it feels like writing is a whole new thing for me again, when the fact is this blog is 7 years old already, lemme brush some of the dust off. Now let's begin.
I've always written a birthday entry, and I plan not to break that tradition this year. This year's topic; 24 random things you don't know, knew and should have known about me. After reading this we can all agree that I am the most wonderful person in the world capable of shitting rainbows.
Foreword: Yung ibang items dito pede sanang ipangblack mail sakin, isusulat ko na lang para wala na kayong alas laban sakin, makapal naman mukha ko eh.
1) Di ako marunong magbike - Kasalan to nung yaya namin nung bata pa kami, laging nakalock ang gate ng 2:30-5 para sa siesta, maliit din naman bahay namin kaya di pedeng magbike sa loob. Pero yung pagkukulang ko sa bike, mapupunan ng driving skills ko, parang 2 heads are better than 1, 4 wheels are better than 2! Pero kung bike na lang ang matitirang mode of transport sa mundo, isa ako sa mga maglalakad.
2)I can stay awake for days - I can stay awake as long as there is food, or even without, as long as there's something I have to do and finish. Nung high school hindi ako nakakatulog pag summer, di ako natutulog nung rockstar days ko pag sunod sunod ang gig, and di ako natutulog nung college kakahapit ng requirements. Kaya kahit may magyaya nun na "I want to sleep with you" tineturn down ko lang, di ako natutulog eh!
3)I live curious (Nat Geo) - Ang favorite response ko pag tinanong sa mga bagay bagay ay "There's one way to find out" Marami ng napatay si kumpareng curiosity, pero experience is the best teacher.
4)At kahit I live curious, I rarely have regrets - Mas regretful ako for doing nothing rather than doing something and miserably failing. Anjan na yan eh, magiinarte ka pa ba? Ang tanging regret ko ay,hmm,wala pa eh,feeling ko parating pa lang.
5)Hindi ako maluho - Wala akong iPod,iPad,iTouch,iLiner,iMac at kung ano ano pang shit, dahil wala akong pambili. Maluho ang mga taong may pambili nito, kung hindi lang nasira 3310 ko nung highschool gagamitin ko pa din yun. Pati sa clothes, naka Top Man ka nga tangina mukha ka namang siko. Maginvest lang sa pabango, hindi excuse ang "hindi ako maluho" sa pag-aamoy imburnal.
6)I'd chose me hearing over sight - Hindi ko naman sinasabing idodonate ko na ang cornea ko bukas. Masyadong ng wild ang imahinasyon ko kaya marinig ko lang mapipicture out ko na. And I would die without music, hindi na ako pedeng maging engineer pag bulag ako,pero pede pa rin akong tumugtog sa overpass sa tapat ng UST basta may pandinig ako.
7)I have discipline - Kaya madali for me to cut so much weight (184lbs --> 132 lbs baby!!!) I could quit smoking ( I have,thrice already) , kaya kong hindi uminom even if everyone else is, the only thing I couldn't hold is me laughter, and farts, and dumura, and suminga. Oh ha disiplinado!
8)If I said it, I'll do it - Kaya pag sinabi kong papatayin ko yan/kita/kayo and there's an evil grin across me face, boy you're doomed. A man is only worth his word, and I make damn sure I keep mine. Di ko nga alam kung bakit may nagsasabing unpredictable ako, the only actions I take that you couldn't predict are the ones I do not speak of.
9)Ayoko sa ampalaya - Kumakain ako ng gulay, mahilig ako sa greens and legumes, pero para kasing gawa sa sama ng loob ang ampalaya, ang gaspang na ampait pa, parang yung kay....
10)Bobo ako sa spelling - Heavily used ang spell check everytime na magsusulat ako in English. Sapat na kasi sakin ang sounds like pag nagsusulat,parang charades lang ba. Bare = Bear; Wait = Weight; Epol = Apple. Hindi ko nga alam kung bakit gumagana yung mga love letter na binibigay ko sa mga chicks, eh puro wrong spelling naman lagi, puro pa bura, may charms siguro yung magpanggap na tatanga tanga.
11)Di ako sumasayaw - Pwera na lang kung field demo,debut o kaya trabaho lang. Nakita niyo na ba sumayaw si John Mayer, ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw, pwera na lang kung trabaho lang.
12)I have never given flowers to anyone before - Okay once siguro, namitas ako sa everlasting ng kapitbahay namin binigay ko sa nanay ko, I was 4 years old at the time, pero di na yata naulit yun. Hindi naman kasi nakakain ang flowers, di rin naman mabango ang rose kaya naiirita ako sa mga nakakatanggap tapos aamuyin, si Jollibee lang mababanguhan jan inday. I'd rather give gifts na hindi mamamatay after a week na nasa vase (e.g. panganay)
13)I am a pro day dreamer - I think this is due to my attention span na as short as a toddler's. I happen to be good at pretending to be listening as well. May generic answers din akong nakaprepare when suddenly asked. One surefire way to get my attention kapag kausap ako ay,hmm,never mind.
14)Nakaubos ako ng 1 bottle ng Flintstone Vitamins in 1 seating nung bata ako - Hindi ko alam kung may masama ba itong side effects sa toddlers, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko ubusin ang buong bote, baka nga binigyan pa ako nito ng super powers na hindi ko pa nadidiscover.
15)Hindi ko pa nakita ang balat ko - Lahat ba ng tao may birth mark? Hindi ko pa nakita yun akin, wala rin naman sa pwet at sa genitals. Pede bang nasa loob ng katawan ang balat?
16)Mama's boy ako - Mas chums kami ni mother goose dahil mas nakakasama ko siya sa bahay, given sa line of work ni pops. Magkaugali din kasi kami ng tatay ko kaya lagi kaming nagbabangayan. Tinuruan ako ni moms ng chivalry at outmost respect for women, kaya hindi ako nambababae,tama!
17)I may be timid,but I finish what I start - I don't tend to give up that easily, because Balotski gets what Balotski wants! A wise man said, you only fail once you stop trying,or kung wala ng lives left sa character mo, hindi naman lahat ng bagay ay may 30 lives tulad ng Contra.
18)Nalalasing din naman ako - Madaming beses na, at parating may katarantaduhan akong nagagawa pag nalalasing. Kahit na I drink for the flavor and not for the feeling, nakakalasing din ang sobrang flavor, parang sarap ng umami, pag sobra, bubula bibig mo.
19)There is order in chaos - Hindi ako mahilig maglipit ng gamit, pero kahit gaano kagulo yan, I know where to find the things I need. Kaya pag may naglinis ng kwarto ko nababaliktad na, there is chaos in order na kasi di ko na alam kung saang pile napunta ang alin.
20)Simple is sexy - It may be awesome to date the prom queen, pero most of the time, I find the simplest women more attractive. If a woman is still beautiful even if she just got out of bed,then she really is beautiful.Kakantahan ko na yun ng "to see you when I wake up is a gift",pero baka masampal lang ako dahil di lahat ng babae ay morning person tulad ko.
21)Di ako nagsusuklay - Once a month lang ako nasusuklayan,yun ay kapag nagpagupit ako, naranasan ko na ring hindi magpagupit ng kalahating taon, kaya kalahating taon akong walang suklay, parang may sariling buhay ang buhok ko ng mga panahong iyon,buti nga hindi nagiging bato ang mga tumititig sakin.
22)Kissable and quiet - Rule number 2: Never kiss and tell, sabagay there's nothing to tell kung first kiss nga wala ka pa. Balagadoom!
23)No second servings - Rule number 1: Ang ex ay ex, kaya nga break up eh, may nakita na ba kayong nabasag/napunit at naibalik na parang bago ulit? Wala di ba, para kasing lokohan na lang ang second servings, katulad ng pelikulang One More Chance. Ang taas naman ng pride mo Balong, ganun talaga, 2 bagay ang hindi mo pedeng tapakan sa lalaki, ang aming pride at ang aming alam niyo na, so deal with it.
Fun fact: I am actually friends with all of me exes, maayos naman lagi ang parting of ways naming lahat eh (yata), and I hold no grudge against them as well (ULUL), kaya I make sure I am still friends with all of em, kasi you never know when you'd need them again (uutangan, tatanungan ng directions, papaturo ng calculus, mga ganung favors ba)
24)Shutdown and restart - Me ability to shut down me emotions can be beneficial at times, if only I could enumerate those instances. But hey, it is a mean to keep everything in check and in order. The restart is what puts me in trouble most of the time. Kapag pinilit kasing magrestart kahit alam mong blackout nga, magmumukha ka lang inutil, hindi lahat ng bagay ay may UPS.