Friday, December 10, 2004
Ripping the Pages
I decided not to post the last chapters of my novel because I realized what I was doing was wrong. Bakit? Kasi paninira lamang ang magagawa ko. Pagdating nya kasi, she started dissing me, indirectly nga lang, pero obvious yung mga parinig, they were from my text messages to her. I heard her say, “lame, yung parang walang kakwenta kwenta yung dahilan”, because I texted her what lame excuse does she have for being absent on her last class last Tuesday. Im sorry for being harsh and being too nosy, maybe I should just care for you less, and pumapasok ka pa rin naman eh pag gusto mo, so I shouldn’t be like that. She was the one who started to diss me, and of course yung knight in shining armor nya gumagatong. I loathe that guy, masyado syang maangas at nangengealam, sumisiste kasi. Narinig kong sinabi nya yung salitang “optimist,yung umaasa lang”. Gusto ko na sana syang suntukin kaso nga lang…
What happened made me want to continue my novel at gumanti sa kanila. Pero nung sumamba ako, everything changed. Yung poot napalitan ng awa at takot. Natakot akong masumpa, kasi di ko naisip na kapatid pala sila, tapos may poot ako sa kanila, napakarami ko na kasing pagkakasala, baka madagdagan pa. Naawa ako para sa kanila, hindi lang siguro nila gaanong naisip yung mga pinagagagawa nila. Hindi ko na lang sila papatulan, hindi ako magpapakababa sa lebel nila, hindi ba nila naisip na maari silang nagkakasala. Napakababa tuloy ng tingin ko sa kanya, at naawa din ako dun sa kanyang knight, para kasi syang demonyo na nagsusulsol sa pagkakasala. Sa halip na itama ang mali, kinokonsinte pa. I prayed na sana walang masumpa, nagkasala kasi ako, napoot ako sa kanila, at nakagagawa sila ng kasalanan dahil sa mga ginawa ko.
Most probably they would laugh at me if they would read this. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanila ng diretsahan, naduduwag ako. Baka sabihin lang nila na hindi ako yung pinaguusapan nila at nagfefeeling lang ako. Pwede naman kasi nilang sabihin sakin right at my face, pero nagparining lang sila, alam naman ng Ama kung ano ang nasa puso natin. I felt sad about this, ang lapit na ng pasalamat, tapos ganto yung mga nangyayari, baka hindi pagpapala kundi sumpa ang kamtin. They could diss me and make fun of me as long as they want, sana lang walang consequences na kapalit yung ginagawa nila kasi nakakaawa sila pag nagkaroon. Nakakalungkot isipin na ganon na o ganon pala talaga ang ugali nya, sayang sya. At para sa kanyang knight, sorry at naisipan kong banatan ka, mas kawawa lang ako pag ginawa ko yon. I just hope all of this would pass by. And I hope they could forgive me. Ho hum..
i loathed you @
9:12 PM