"When you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it"
Ahhh kaya pala naflatan yung jeep sa harapan ng sinasakyan ko at after nun nagoverheat naman yung taxi sa harap. At ng maisipan ko ng maglakad lumabas si King Koopa sa kalagitnaan ng Buendia, akalain mo nga naman oo, grabe magconspire ang universe, gusto ko lang naman dumating ng maaga sa aking 9am appointment. Either hindi parte ng universe yung jeep, yung taxi at si King Koopa, or hindi talaga nagcoconspire ang all the universe para tulungan ka. Parang ang paborito mong telenovela, laging may traydor, sa kaso ko ang gulong ng jeep, radiator ng taxi at syempre si King Koopa.
Hindi talaga ako dapat nagbabasa ng inspirational novels, parang ako yung mythbuster nila eh, sa halip na mainspire nadidismaya lang ako, tsk, pang pugad baboy at xerex lang talaga ang pang-unawa ko.
"When you want something, don't wait for all the universe to conspire and help you, because it all comes down to your desire and the actions you take in achieving your goal"
-Marlon Castillo-
Hayup, mga 300 pages na lang ng kwentong inuman tapos ilagay ko yang quote na yan,baka may best seller na rin akong mapublish. Sasabihan na rin ako ng New York Times ng "Novel of the decade", ni Stephen Hawking ng "Very substantial reading" at ng Tiktik ng "Binatilyo patay sa saksak".
Lahat ng human rights ko ay naviolate ng MRT, kada sasakay ako alam ko na ang pakiramdam ng Tender Juicy Hotdogs habang nasa 1kg pack pa, grabe, bawal naman magreklamo dahil public transport, at wala naman akong gas para makarating sa Makati, joke lang coding lang ako kanina,naknamputa yabang.
Balong ang tanda mo na but you still got it.
Huwag kayong magyoyosi ng Fortune Cigarettes, hindi ko alam kung gawa ba talaga sa tabako to o sa tambutso at diesel, napakabaho parang hudas!