And another year has passed me by. Maraming nagsasabing mabilis ang panahon pero last year parang hindi, ang bagal at masalimuot ang takbo ng panahon ko nitong nakaraang taon. Mabagal man at masalimuot rewarding pa rin naman, natapos na rin kasi ako sa pag-aaral, naks! Kulang lang siguro ako ng 4 na buwan na tulog, nagkaroon ng blood pressure na 140/100, naging butanding at tinaasan ang risk ng lung cancer. Buti naman mula sa pagiging butanding ay ka-weight division ko na ulit ngayon si Pacquiao, pero wala akong balak labanan siya, kahit nakablind fold pa siya.
Walang gaanong masyadong nangyari nitong nakaraang taon sa buhay ko, wala tuloy ako maisulat sa birthday entry ko, tsk. Mas onti nga bumati sakin ngayong taon, ganun talaga pag tumatanda, mas onti na ang nakaka-alala sayo, parang hopiang di mabile, may amag sa tabi. No worries, hindi ako nagdadrama, mas importante talaga ang family sakin pag birthdays, kahit makalimot ang buong mundo, lam kong andito pa rin ang family ko,too bad wala ang aking pops.
Naalala ko nun noong bata ako nagmamadali akong tumanda, para magawa ko na yung mga bagay na gusto ko (umihi in public, sumipol sa mga seksing babae, magpamasahe sa barbero,etc.)Hindi ko naisip na habang tumatanda ang tao, dumarami ang mga responsibilidad niya sa buhay. Noong baby ka ang role mo ay magpacute at magpaligaya ng madlang tao, pagdating ng elementary hanggang college kelangan mong mag-aral at maging konsomisyon ng mga magulang mo, at pagkatapos mong mag-aral, ang malagim na katotohanan, kelangan mo ng buhayin ang sarili mo, tapos na ang maliligayang araw, wala ng allowance na bubuhay sa mga bisyo mo, it's time to feed yourself. Ang masama pa, narating ko na ang yugtong ito ng buhay ko. Well may nalalabi pa akong 1 buwan bago ang board exams, makapasa man ako dito o hindi, (1% chance of failing), kelangan ko ng maghanap-buhay, dahil may bubuhayin na akong panganay, biro lang, gang ngayon gang holding hands pa lang din ako...Tama.
Things to do before I die:
(x) Maglakad, magsalita at magtali ng sariling sintas
(x) Matutong mag-basketball, makipag-suntukan sa kalaro
( ) Matutong magbike
(x) Matutong magbaon ng panyo,gumamit ng deodorant
(x) Magkaroon ng crush, manligaw, magpaligaw at makipag-holding hands
( ) Magkaron ng bisyo
(x) Magtapos ng pag-aaral
( ) Maghanap-buhay
( ) First kiss, makabuntis, mapaanak ang sariling asawa
( ) Mangaliwa at hindi mahuli
( ) Mamatay at ipamana ang hekta-hektaryang lupain sa maiiwang angkan
Tang na konti na lang, pede na akong mamatay ah,tsk.
"And that's about the time she walked away from me
Nobody likes you when you're 23
And you still act like you're in freshman year
What the hell is wrong with me, my friends say I should act my age
What's my age again?"
-Whats My Age Again by Blink 182-
(x) Pumatay ng ex
(x) Pagtawanan ang pangit na boyprend ng ex
( ) Magpahabol sa pulis, mmda, metro aide, etc.
( ) Sumali sa Starstruck
(x) Umihi in public