This is a hold up.
Masaya palang magpalit ng wallet. Kung katulad mo akong maraming sikreto at kalagiman ang laman ng wallet, at tuwing world cup or olympics ka lang din nagpapalit ng wallet, napakaraming misteryo ang matatagpuan mo sa lumang sisidlan ng hindi lang pera kundi ng mga alaala. (Bayani theme song cue)
Fun Fact:.
Ngayon ko lang naisip na napakasama pala ni Lola (Caridad Sanchez) doon sa children's show na Bayani, tinuturuan niya yung 2 bata na nakawin ang mga artifacts na pagmamay-ari ng mga bayaning Pilipino. Buti ba kung dinadala nila sa National Museum eh pinang dedecor lang niya ng kweba niya, tsktsk,bad.
Ok tungkol ulit sa mga wallet, today ine-retire ko na yung wallet na bigay sakin ng ninang ko nung grumaduate ako ng high school. Oo ngayon ko lang pinalitan matapos ng ilang dantaon. Kaya pala sobrang bigat ng wallet ko kahit hindi ko naman nilalagyan ng pera ay dahil sa sobrang daming mga bagay na nakasingit sa mga secret compartment nito. Minabuti ko ng ilista ang mga ito for your enjoyment:
1) Mga resibo - ng biniling cellphone, part ng sasakyan, part ng computer, sa gym, sa grocery, sa dentist, sa review center, FORM 5, sa biniling droga at bawal na gamot. Kulang na lang tickets sa bus.
2) Mga calling card - Kapag nagwiwindow shopping kasi ako sa Raon, mahilig ako magpanggap na mayaman kaya kuha ako ng kuha ng calling cards nila kahit alam ko namang wala akong pera pambili ng kanilang mga produkto. Mainam din naman ruler ang calling cards pag may exam sa Physics at Engineering Sciences.
3) Mga larawan - Hindi ko hilig manghingi ng picture ng mga tao,di ko rin hilig magtago ng mga sarili kong larawan, mas gusto ko talaga ang digitized version ng mga ito dahil hindi nasisira kapag nabasa ang wallet mo. Pero ilan sa mga natagpuan ko sa wallet ay grad pic ko nung high school na hindi ko alam na existent pala, grad pic ng mga classmate kong babae nung high school (naknamputa chickboy), unang ID sa UP, ikalawang ID sa UP, student drivers license. temporary driver's license at picture ng ex. Pero wala akong picture ni Mama Mary, Godthefather, Santo Nino, Susmaryosep or kung ano mang religious artifacts, malamang.
4) Lucky Charm - Since high school pa to ah, grabe ang kunat na!
5) Mga Love Letters (Yikkkkkeeee!!!!) - Lahat na siguro ng uri ng love letters ay natanggap ko na, kung saan saang medium ito nakasulat; sa mini stationary, sa post it, sa wrapper ng burger ng mcdo, sa pilas ng notebook, sa yellow pad, sa yellow pad na pink, break up letter na nakasulat sa pilas ng math notebook, treasure map, death threat, last will, taning sa buhay, winning numbers sa lotto sa 2063, instruction manual. Napag-desisyonan ko na lahat ng mga ito ay kailangan ko na itapon, dahil hindi naman ako yung tipo ng tao na namumuhay sa nakaraan (talaga lang ah), dahil isa lang ang takbo ng panahon, paabante, Nakakaaliw mang balik balikan ang mga alaala pero hanggang dun na lang sila, it's time to move on with the story, parang choose your own adventure lang.
P.S.
Di ako bitter ah, in fact masaya talaga ako sa aking mga discovery.
"If you're lost
You can look
And you will find me
Time after time"
-Time After Time by Cindy Lauper-
Kasi nasakin ang mapa, ang mapa pabalik sa puso ko. (Naknang bakang hilaw!!!!)