Warning: Not the Ewan McGregor flick, but watch it,pretty cool
Parang hindi natatapos ang sem, hindi man lang makatulog ng mahimbing, eh kung tinapos ko ba naman lahat ng requirements on time eh di okay na sana
Ngunit hindi, so suck it up man.
Ang cool siguro maging driver ng MRT at LRT, sumagi lang sa isip ko dahil nasakyan ko lahat ng light rail transit ng Pinas in a single journey kanina.
From MRT3, to LRT1 then LRT2, at lahat ng biyaheng yun nakatayo ako, wala eh, chivalry.
Pano kaya mag-apply sa pagiging pilot ng LRT at MRT?
May school pa ba para dun? Eh san ka magpapractice? Sa roller coaster?
Tsaka sa LTO din ba kukuha ng licence? May drug test din ba?
Cool din yung intercom nila, pwera yung sa LRT1, mas ngongo pa kay Mahal at Mura in unison eh.
Dahil sadya akong madaldal baka malaspag ang intercom na yun sakin.
Kekwentuhan ko yung mga pasahero ko parang taxi driver lang.
Kaso di tulad ng taxi driver, isang route lang pala dinadaanan ko araw araw.
Pag umiba kasi ako ng daan,deads.
Halos 5 mins away na nga ang mga station,wala pang traffic, sana lang may makinig sa kwento ko.
Alam ko na, gagamitin ko na lang ang intercom sa pagbibigay paalala sa mga pasahero.....
Public Service #1
Wag po nating hipuan ang katabi nating babae,lalong lalo na ang katabi nating lalaki.
Public Service #2
Tanungin muna ang babaeng oofferan ng seat kung feminist siya, baka maoffend.
Public Service #3
Sa station po nagbabayad ng pasahe, bawal din sabit, onsehan yan.
Public Service #4
Wag po nating salubungin ang mga pasaherong bumababa,hindi po natin sila kamag-anak
Public Service #5
Snatcher no snatching, snatcher no snatching, everybody come on, snatcher no snatching.
at kung may magandang pasahero sa kahit ano mang freight:
Public Service #6
Miss, is your name Mickey? Cause youre so fine, youre so fine you blow my mind, hey Mickey.
Now report to the cockpit immediately.
Yehes, cockpit, patay tayo jan...
Hay, masaya talaga mangarap sa biyahe, lalo na't nakita ko nanaman ang Mahal Kita Lodging Inn kanina sa Taft.
Girl: San tayo pupunta?
Boy: Mahal Kita!
Girl: Talaga??? (Naluluha pa sa saya)
Try niyo ring mag-train hopping, pede na ring date activity yan, mura na makain pa sa oras.
You can get to know each other better, pagbaba niyo sa Taft....
Too bad I ran out of time...
"So I walked under a bus
I got hit by a train
Keep falling in love
Which is kinda the same
I've sunk out at sea
Crashed my car, gone insane
And it felt so good
I want to do it again"
-Buses and Trains by Bachelor Girl-
Buti ka pa Bachelor Girl, ako tap out na, but it felt so good I wanna do it again.
Ang susunod na estasyon po ay langit,lupa, impyerno, im-im-impyerno.
At nagpanic ang lahat ng mga pasahero...