Tuesday, June 09, 2009
Hoy Pinoy Ako
Naisip kong isulat to dahil nakita ko sa balita kanina na nasa bansa na ang Pussy Dolls. Oo, sila yung kumanta or sumayaw ng Dontcha, Beep Beep Beep Sabi ng Jeep, Jey-ho at Mmmbop. Pangalawang beses na nilang pumunta sa bansa, akalain mo yun, dahil sa mahal nila ang kanilang mga fans. Hindi ko alam kung bakit di ko matanggap na Pilipino o may bahid man lang ng pagka-Pilipino si Nicole Scherzinger, kasi naman pangalan pa lang Pinoy na Pinoy na, nampota Scherzinger:
Family Feud
*Top 5 Pinoy Surnames*
1. Reyes
2. Lopez
3. Santos
4.Scherzinger
5.Gaga (Apelyido ni Lady)
Siyet, mas tanggap ko pang maging pangulo si Marvin Agustin, kasi at least first lady niya si Jolina. Henaku,tapos siya ang pakakantahin niyo ng Lupang Hinirang sa susunod na laman ni Pacquiao, you know, eh kung si Martin Nivea nga di makanta ng maayos si Nicole pa kaya, try niyo kayang pakanta sa kanya yun sa concert niya on Thursday, ewan ko lang baka mas maraming demanda pa abutin nun kay "Hayden's Gate" Kho.
Bakit ba lahat na lang yata ng sumisikat na artist hinahanapan natin ng dugong pinoy, o kahit bahid man lang, parang 1/256 yan na pinoy 3/4 na chinese at 1/4 na kano. So ano 1/256 na part na pinoy, hmmm, yung nagmanicure sa kanya pinoy, or yung donut na kinain niya ang nagmasa ng dough nun kapitbahay ay pinoy, mga ganung relasyon pang headlines na sa programa ni Mike Enriquez.
Pano mo ba masasabing pinoy ka?
Kaya mong awitin ang Pambansang Awit sa angkop at tamang tono at letra? Oo kaya ko to, kaya Manny,ehem.
Kabisado mo pa ang Panatang Makabayan (old and new version)? Ekis na to agad, alam ko kung anong line lang ang alam niyo,dahil yun lang din ang alam ko, "Iniibig ko ang Pilipinas" Wala bang partial points??? It's the thought that counts, wala sir, mataas ang requirements eh.
Tumatangkilik ng sariling atin??? Ngayong araw na to nanood ako ng 1 episode Koreanovela, 2 Hollywood films, at sumulyap ako sa TV patrol. 2 pelikula ang pinagpipilian sa sine last week, BFF o Terminator, wala pinili ko si Ahnold over Aiai and Shawi, olats din ako dito.
Alam mo kung anong holiday meron sa friday??? Ang galing tama ka, celebration ng Treaty of Paris.Ibig sabihin ang tamang spelling ng remittance ay capital El, Bi, Si. Walang hiya ka Edu tinuruan mo ng katangahan ang mga batang mag-aaral ng Pilipinas, tumpak pala ah!!!
So pano nga maging pinoy, magkaron ng apelyidong lumabas sa survey ng Family Feud, maging mail order bride/husband, akusahan ng rape ang mga kano pero magpapakasal din pala sa isa pang kano, pumasok sa mga sign na exit at no entry, magpark sa no parking tow away zone, tumawid sa nakamamatay, maligo sa ilog pasig at manila bay, kumain ng balot at penoy, uminom ng tapoy, sumali sa Amazing Race asia at irepresent ang bansa, maging sikat na boksingero,singer o kapitbahay ng magaling na donut maker.
Ewan ko, kung tatanungin ang ibang bansa kung pano maging Pinoy paniguradong nakapanliliit ang isasagot nila, maging DH malamang ang sagot ng mga Singaporean, maging corrupt pa rin siguro ang top answer sa tanong na yan, kung pulis ka mangotong ka, kung opisyal ka ng gobyerno humingi ka ng lagay, pampadulas ba,gumamit ka ng Vicks, swabe bawat hagod.
Buti ka pa Jay socially aware,oo wala naman silang nagawa, kaya dapat tayo meron. Isinisisi ko yung pagkamatay nung pulis sa UP Fair nun kay Bamboo, kunyari ka pang may pakialam sa mga bagay bagay, tatsulok pala ah, anong ginawa mo nung nagkakabatuhan na sa may entrance, pinagsabihan mo nga yung mga JJ's, in English nga lang, gago ka ba??? Orcish ang language ng mga yun tapos iEnglishin mo??? Paconyo shit pa kasi ampota, I was like dude pare man tol,.they can't comprehend.
Ako mismo
"Ako mismo magpapaligo sa aso ko"
-Anonymous
Pero wala pa ring tatalo sa
"Ako mismo,mamahalin ko ang mga Lasalista"
-Kris Chew
Taena wala ng pilipinong magugutom sa mga salitang yan, makakapag-aral na ang lahat ng bata sa Kenya at babalik ang kalupaan ng mundo sa Pangea upang makapanirahan lahat ng lahi ng sama-sama, Lasalista man o Atenista. Dahil jan may award ka brod, student lider ka na.
Puro ka daldal eh pabigat ka rin naman sa ekonomiya balong. Oo alam ko, pag pasensyahan niyo na yung 1 semestre kong pag-aaral na huhugutin mula sa napakalaking tax na kinukuha sa inyo ng gobyerno, mababayaran ko rin naman kayo, hintayin niyo lang ako sumikat, babatiin ko rin kayo sa ETC,TMZ at Bombo Radio.Mag-geguest din ako kay Oprah at Ellen, kakanta rin ako sa MGM Grand, kanta lang ayoko makipagsuntukan dun eh. Pero pede namang pag-igihan ko na lang tong huling semestre ko, malay mo, makatulong sa bansa yung matututunan ko, sana nga may maitulong pa ako sa bansa.
"Hoy Pinoy Ako"
-Bamboo
"Wag keyong membatow"
-Translation ng sinabi ni Bamboo sa mga Orcs
Amen...
i loathed you @
11:39 PM