Monday, April 27, 2009
3 in 1 plus 1 = 22
Tanggap natin na kantahin ni Vhong Navarro sa mga TV natin ang kantang 3 in 1 plus 1 ay por, kahit napaka walang saysay ng kantang to, pero kung si piolo pascual na ang kakanta nito,magkakaron ng sigalot sa mundo ng philippine tv, kasi di kaya ni piolo sabihin ang 2-3-4 flavors galore.
Oye, another year has passed me by, masaya naman ako ngayon, mas masaya nga lang kung grumaduate ako on time, kaso wala eh,masaya kasi sa college,ayan nag over stay pa ako. Nakakadepress at nakakainspire at the same time makita ang ilan sa mga kabatch ko grumaduate, hay, pero mas nakakadepress syempre dahil maraming ibang bagay ang pedeng maging inspirasyon sa pag-graduate, nagyoyosi na nga ako ng mga panahong yun di ko pa magawang matapos yung yosi ko,eh stress reliever ko na nga yun. Happy happy birthday talaga sana today, pano ba naman friday college grad,kahapon university grad, sunod sunod na celebration sana,tsk, sayang, ano ba kasing pinag-gagawa ko sa college life ko. Well kung isusummarize ko 3 bagay lang yun:
1)Nag-inom at pumarty - well nagsimula sa over-a-cup-of-coffee, naging tuesoc, nagsubside naman na ngayon
2) Nambabae - given ng malakas kumain ng oras to (yehes parang ang gwapo ko nampoota)
3) Tumambay - malamang ito pinakamalakas kumain ng oras ko,ang gumawa ng walang katuturang bagay, inhale exhale ka lang for a few hours.
Hay,simula nanaman ng 1 pang taon para sakin bukas, pero bago yun,magbalik tanaw muna tayo sa mga pangyayari last year. (Sineskwela theme song pasok)
Unang una, last year natapos ang love story ko na 3 years in the making, oo 3 years, parang pelikula talaga, mas matagal pa yung the making sa totoong palabas, para sakin pumatok naman ito sa takilya, ewan ko sa inyo, pero ako kahit tragic ending ok lang, hindi lahat ng palabas ay happily ever after talaga, namamatay din naman si FPJ pag nakipag barilan siya sa 10 helicopter, 23 tangke at 2 submarine. Hindi ko naman sinabing ako si FPJ kaya isang email lang sakin taob na ako.
Nais ko ring humingi ng paumanhin sa mga naudlot kong love story last year, di ko intensyon sayangin ang panahon niyo, and kung nakasakit ako in any way, pasensya na talaga, pede niyo akong sampalin, 5 piso lang kada hampas. Pero sana kalimutan na natin ang lahat, bitawan na dapat ang wala ng mapanghahawakan, sawa na rin ako sa paulit ulit na pag-papaliwanag. Lalo na ikaw,oo ikaw, this may sound harsh pero I think it's time for you to grow up. And besides, napakaraming lalaki sa mundo, kaya napakaraming mas higit sakin; anjan si Piolo Pascual,Dingdong Dantes,Johnny Depp at Marc Nelson, so far sila pa lang yung nakita kong higit sakin kaya no point being stranded for someone like me (naknangpootahhh ang gwapo mo balong!!!)
Pasensya na talaga, di uso sakin ang second servings, kasi ganun ang mundo, walang rewind, walang subtitles, at walang return and exchange policy pag di gumana basta may resibo ka. Laging forward ang takbo ng oras and there's no point pondering and remaining in the past. Ganyan talaga, ika nga ng Aegis, basang basa sa ulan, oo alam ko di konek yung sinabi ko sa nais kong ipahiwatig.
Last year nagawa kong mag quit magyosi ulit, pero 3 linggo lang halos, kasi ganung katagal lang din kami magkasama, oh di ba, only quitters quit talaga, at work is work. Nagkaron na rin pala ako ng sariling kwarto, and this is where no magic happens, di pa nga tapos pinturahan eh, kasi naman nagdarahop na ako. Kaya sana this year bumalik na ang mga salapi sa wallet ko, come on wala na nga akong kababaihan pati ba naman kaperahan wala pa.
Grabe,tumatanda na ako,tsk lalo na siguro mga magulang ko. Mother goose and pops, sorry at di pa ako graduate, di ko masabi sa inyo personally kasi di naman madrama ang fam natin in the first place. Dad di mo na ako kelangan regaluhan, sobra na yung pag-aralin mo pa ako ng 1 pang sem, eh dapat nga nagpapahinga ka na lang dito sa bahay,umuwi ka lang sobrang saya ko na kahit mag-away tayo agad sa 1st hour nating pagkikita. Pasensya na mother goose kung di lang minsan ako nagdulot ng hapis sa iyo, nanay nga talaga kita, kasi kaw lang ang babaeng kayang magcontain sa ugali kong sing baliko ng mga sungay ko. Onting tiis na lang po,malapit na ako grumaduate,well sana.
Siguro gang dito na lang muna isusulat ko,para maging valid na birthday writeup ko to,30 min na lang tapos na ang happy kaarawan ko. Maraming salamat sa lahat ng nakaalala, sa mga nagregalo (Les para sa cake at van para sa 2 boteng vodka),or kahit di niyo naalala birthday ko ok lang,thank you na rin at masunugan sana kayo, joke lang.
Masarap mabuhay dito sa mundo, kaya sana bigyan pa lagi ako ng pagkakataon mabuhay, at sana everyday may mapasaya ako,para naman maging worthwhile ang stay ko, at masabihan ako ng "The world needs more people like you, and I do,too", kasi ilang beses ko na yan sinabi sa mga chicks, syempre effective, tang na parang syoktong pag di ka pa nagkakaron.
There are places i'll remember
All my life though some have changed
Some forever not for better
Some have gone and some remain
All these places have their moments
With lovers and friends i still can recall
Some are dead and some are living
In my life i've loved them all
But of all these friends and lovers
There is no one compares with you
And these memories lose their meaning
When i think of love as something new
Though i know i'll never lose affection
For people and things that went before
I know i'll often stop and think about them
In my life i love you more
Though i know i'll never lose affection
For people and things that went before
I know i'll often stop and think about them
In my life i love you more
In my life i love you more
In my life by The Beatles
And yes the song says it all...
i loathed you @
11:45 PM