Friday, May 01, 2009
Labor(less) Day
Super long weekend, thank heavens, I needed a break, a break from doing totally nothing, maybe I should take me thesis more seriously, tis not really a walk in the park, tis not easy as pie and me future basically depends on it.
The weather is ultimately weird, a storm during April, come on, pano na ang may gusto ng tan lines??? Haggard. Well pabor nga sakin to eh, di ako gaano iitim, yon ay kung may iiitim pa ako.
Ang labor day ba ay para sa mga manggagawa o para sa mga nanganganak??? Or both??? Anyhoo, isang pagpupugay para sa lahat ng manggagawang Pilipino sa araw na ito. Ganun na rin sa mga nanganganak sa panahong ito, sige lang hija, ire!
Bakit ba hirap na hirap na akong magsulat ngayon??? Dati basta mahawakan ko ang keyboard may makabuluhang bagay na akong matytype, ngayon para akong nasa exam, may papel, ballpen at calcu, nalimutan nga lang lahat ng sinaulong formula. Natuyo na siguro ang creative juices ng utak ko, or wala talaga ako nun dati pa. Pag tumatanda ba mas nagiging hindi corny ang tao???
Ikaw na rin nagsabi dude, wala ka ng spark (nampootah parang alitaptap lang). Bakit??? Eh kaw kaya idol ko nun sa pagsusulat, kung maihahalintulad ka sa sikat na author, isa lang ang naiisip ko, Pol Medina Jr. Hmmm, dahil ba matanda ka na rin??? Kaya hindi ka na corny??? Or dahil siguro happy ka na tulad ng sabi mo, na nalolongkot sometimes...
Ang dami namang tanong ng entry na to, para talagang exam ang buhay ko, may matching type, loop a word, jumble letters, identification, essay writing, problem solving, modified truth and consequence, oral at higit sa lahat fill in the blanks, parang ngipin ni Rasheed Wallace. Sa exam na to walang kodigo, cheat sheet at some useful equations, pero buti na lang marami akong seatmates...
"Oh kung babalik ka pa
Hanggang kailan kaya
Ako dito mag-aabang"
-Sana by Up Dharma Down-
Di yan drama, theme song yan ng mga naiwan ng MRT,LRT at mga aleng naglalako ng Yakult.
i loathed you @
1:50 AM