Saturday, May 09, 2009
May-weather
I guess the summer season is officially over. Tis me worst summer ever, almost no vacation, no part-A's, no women, no friends and no progress in me thesis. Sheeesh, another month of me life wasted.
On other news, nainspire ako magsulat dahil kay Sheryl at Romnick (mga totoong pangalan) at sa kanilang labstori. There's no better place to fall in love than in UP, well kung taga UP ka, kung tambay ka lang sa UP pede na rin. Bakit? Good thing you asked...
1) Para kang nasa chowking, daming choices - ano ba gusto mo? Maputi, maitim, morena, mahaba ang buhok, kalbo, maporma, walang saplot, mabango, mabantot, mahinhin, malanjutay at kung ano ano pang flavors ng adobo. Sa laki ng campus parang lahat nandun na. At syempre given na yung matalino, well noon given na yung matalino sa mga taga peyups, madali ang conversation at understanding dahil pareho kayo ng lambda (wavelength). Pero sa mga naobserve ko lately, question mark na ang matalino talaga. Oh wag ka na magreact, papatunayan mo lang na isa ka sa mga mangmang na nakapasok sa unibersidad namin sa pamamaraan ng pag-rub ng magic lamp ni Aladin.
Pero dahil nga chowking ang pinasok mo karamihan sa food choices mo nagfafall sa isang course, chinese cuisine.
2) May org, frat/soro, toda, joda at union ka na pedeng salihan - kung di pa sapat sayo maka-meet ng samu't saring tao sa subjects mo, sumali sa mga buklod ng sangkatauhan na nakalista sa taas. Sali ka sa frat, malay mo may the one for you sa soro nila, aba malay mo brod mo pa yung the one for you, kung open naman ang isipan ng kapatiran niyo why not. (Love you brod!)
Sa org mas lalawak ang horizons mo, may mga org nga na sobrang laki di na nila kilala yung ibang mems (ex. yung VP inte di kilala yung VP exte, exag!!!) College or univ wide man yan, di imposibleng makahanap ka dun ng taong magugustuhan mo, pangunahin dahilan na pareho kayong sumali sa org na yun cause you both have something in common, oh di ba, may spark na agad. (Ay kaorg pala kita, so, tayo na???)
Fun fact: Sa org ko (UP Chi Beta) nanggaling ang mga tanging babaeng niligawan ko sa tanang buhay ko, di ko na babanggitin ang track record ko dahil malamang alam niyo na to. Sa isa ko pang org (IIEE) di na ako umaasang magkaron ng romantisismo, dahil puro kami lalaki dun, subukan niyo lang yakapin ako pupugutan ko kayo gamit ang nail cutter.
3) There's always a happy place for your happy time - sa laki ng campus para kang si dora the explorer at kadate mo syempre walang iba kundi si boots. Nature tripping, tahakin mo ang kagubatan ng lagoon, sigurado pag labas niyo may malaria na kayo or nakapanood kayo ng libreng live show. Athletics, makisali kayo si frisbee or soccer sa sunken, magjogging sa track or acad oval, magtulak kayo ng tumurik na Ikot jeep, or mag habulan kayo mula katipunan hanggang commonwealth (Parang si eva fonda at kameraman dapat para sweet at sexy) Food trip, isaw sa kalay at law, ratapsi ng rodicks, fruit shakes ng LB, kikiam at fishball sa SC, siomai sa FA at kung nangangati kayo sa kadukhaan ng mga binanggit ko may Chokiss naman at chateu verde. At kung ikaw ang tipong gwapo/maganda sa paningin ng lasing na babae/lalaki, pede kang mag-inom sa Sarah's, Tree house (oo nakainom ako dito dati) at University Hotel.
Fun fact: "If you want to get laid Sarah's is the place to be" Sabi sa akin ito nung freshie pa ako ng isang kaklase kong upperclassman sa Bio1. Syempre naintriga ako hanggang sa dumating ang araw ng umapak ako sa may arko ng crus ng ligas,at makapunta sa Sarah's, noong araw na yun napatunayan ko.... urban legend pala yung sinabi ng classmate ko, taena barbero ampota.
Di lang sa loob ng campus kayo pede magsaya ni boots, maganda ang location ng UP, napapalibutan ng mga malls, inuman at gimikan na hindi lalampas sa 30 min drive or 30 min jeepney ride.Sa teacher's ville/maginhawa st. pa lang solve na kayo eh, kung gusto niyong lumayo ng konti katips, buong stretch nun itry niyo lahat, nang mamulubi kayo, ay pasensya na po kung may mga haciendero at haciendera akong readers, malamang kayo hindi mamulubi. Isang flyover at underpass lang ang layo ng eastwood. Kung gusto niyong magpakalayo layo 40 min ang antipolo OL, ang Tagaytay ay 1 and a half - 2 hours lang (oo nagawa ko na to), ang Paris, France, ewan di ko matantsa naubusan akong gas ng iaattempt kong marating yun eh.
At syempre pano naman kung gusto niyo ng mas happy time, (dandandandan), sesexy time na kayo, kelangan ko pa bang sabihin kung saan saan, alam naman nating lahat na
{PARSE ERROR}
*Blue Screen of Death*
Nagcrash yung PC ko, anyhoo, uulitn ko lang there's no better place to fall in love than in UP, oo biased yan kasi pansariling karanasan at pananaw ko yan. Kung di ka sang-ayon at may ibang lugar ka pang naisip, wala akong paki, gumawa ka ng sarili mong entry at contest tayo kung sinong mas maraming mag-aagree,para diplomatic. Ngayon bilang na ang mga araw ng pag-sstay ko sa peyups (oh Lord sana nga), at kung napaka gandang lugar ng peyups para mainlab at maglandi, ang daming panahon pala talaga ang sinayang ko sa walang kabuluhang bagay, hehehe. Kaya Romnick at Sheryl, ipagpatuloy niyo lang yan, wag sayangin ang youth niyo, magbolahan kayo ng bonggang bongga.
"Sige, pakasal ka
Sige, pagpatuloy mo lang
Panakip butas na lamang
Ako...."
-Sige by 6cyclemind-
Tang inang banda yan, mamatay sana kayo sa Tanduay!
i loathed you @
1:43 AM