Thursday, August 13, 2009
What the H???
Pareh, mustah nah???
What the fuck is wrong with you people? Ay Agosto pala ngayon,buwan ng wika, hayaan niyong iwasto ko ang sarili ko,paumnahin.
Anong bang problema niyong mga tao kayo??? Ngayon ko lang nalaman na bago na pala ang ispeling ng mga salitang pilipino??? May naglabas ba ng bagong diksyonaryong pilipino??? Puro academic papers at komiks na lang kasi nababasa ko eh, at mga kwento ng Precious Hearts romance na paniguradong magpapakilig at mangingiliti ng buhok mo sa ilong. Sino naman kaya ang nagsulat nito??? Mherriam Webhster???
Maganda nga naman para sa diaphragm ang maraming H, mauubos ang hangin mo sa katawan sa tuwing magbabasa ka nito. Tulad ng nakita ko sa bus
"Tropang Zholid"
Zholid, tang ina, matibay pa sa bato,swabe pa sa katinko.
Eh ang kyut naman kasi kung may H, nah?? Anong cute sa nah??? Hayup. Parang awa mo na, kung sino mang nag text sakin nung nah, wag mo na ulitin, hindi ko maarok kasi.
Eow poh??? Nawala naman ang H, pati L dinamay na din. Ayun yung H,nasa POH, ang bisayang bersyon ng osong walang salawal.
Wala na akong magagawa,tanggap na ng lipunan ang sobrang daming H na salita eh.
"Walang tahwiran, nahkamamahtay, poh"
Napagtawanan na ako sa AS dahil sinabi kong "Wala akong layter" Inulit ng 2 dalagita sa aking unahan ang aking sinabi at naghagikhikan. Naisip ko na lang,mga studyante ng CAL,tsktsk. Tinuruan ako ng nung sekondarya ng magaling kong guro sa Filipino na kung anong bigkas, siyang baybay. Kaya wala akong nakitang mali sa salitang layter, at kumati ang ulo ko kung bakit nakakatawa iyon, kaya kong sabihin ang salitang lighter sa english accent, english english accent, indian accent, scottish at gay lingo, pero pinili kong banggitin ang layter dahil ito ang nasa konteksto sa pagkakataong iyon. Kung ang sukatan ng kagalingan ng tao ay sa pagbigkas niya ng salitang lighter, bugok pala talaga ako, dahil di ako pang call center, paumanhin muli. Di ko naman sinasabing pang call center lang ang CAL,hehehe.
Ika nga ni Gat Jose Rizal na nabasa ko sa aklat naming Quotable Quotations nung sekondarya:
"Dont gamble"
Ay siya, inaantok nah ako, wala kasi akong layter nah pangsindih ng yohsi.
Gud nyt poh, mishu muah.
Zholid tayoh pareh,tobhats.
"Am never speaking up again, I'll use my hands"
My Stupid Mouth and the refrain part of Your Body is a Wonderland
Both by John Mayer
i loathed you @
7:59 PM