Pinapangarap ko ngang magkaroon muli niyan pero sa tamang pamamaraan, hindi dahil naglakad ako mula Cayco hanggang Bustillos, na totoo namang nakakaitim at nakaksunburn kahit 4 na ng hapon. Gusto kong magbabad sa dagat, sa swimming pool, sa ilog, sa batis, sa creek ng Golden City o kung saan mang may tubig na hindi galing sa banyo. Ngunit malabo dahil di tulad mo, wala akong panahon para maglakbay, maglakwatsa, magbabad sa tubig at mag sun bathing. Hindi ko rin naman trip magsunbathing dahil wala na akong iiitim pa, cancer lang aabutin ko sa arawan. Pero sayang naman ang toned body mo Balong, naks.
Hindi na ako kumakain sa kagustuhang pumayat, Anorexic na yata ako, asa pa, ano ka anak mayaman? Masaya talagang mag-gym kung alam mong pag-uwi mo pinagprito ka ng nanay mo ng chicharon, binilhan ka ng coke at ng ice cream. Nirvana talaga ang combong ito, lalo na kung gusto mo mamatay ng 30 years old. Kaya salamat pala sa Century Chili Corned tuna sa pag sponsor sakin, kahit di niyo ako binabayaran o binibigyan man lang ng de latang isda. Ano bang meron si Derek Ramsey na wala ako, aba lahat ng bagay. Salamat din sa farmers ng letsugas, dahil sa inyo mataas ang fiber intake ko. Mabuhay ang mga gumagawa ng taho at sago dahil sa araw araw na nutrisyon, pero sana makagawa na sila ng Arnibal Light or Arnibal Zero, or Diet Arnibal, ayokong masanay na walang arnibal ang taho eh.
Bakit ka nga ba nagpapapayat? Di pa ba sapat na motivation na may history ka ng Diabetes sa mother side at high blood naman sa father side? At kung nagpatuloy ang lifestyle ko nung gumagawa pa akong thesis, malamang di ako umabot ng graduation. Mali kasing gawing diet ang peanut butter and jelly sandwich, reese's peanut butter cups at choc nut. Teka puro mani yan ah, opkors, pampataas ng IQ eh.
Ayun sa tunaynalalake.blogspot.com, ang tunay na lalake ay walang abs, at naniniwala ako dito, hindi lang dahil wala akong abs, ay oo pala dahil wala akong abs. Hindi tayo dapat maging sunud sunuran sa kung ano mang ipinapakita satin ng media na dapat na anyo ng mga nilalang. Hindi mo kailangang maging sing payat si Kim Chiu, maging sing macho ni Borgie Manotoc, pero dapat maging sing pogi mo si John Lloyd Cruz, dahil siya ay naglelevel up ng tunay. Kung may tao akong ife-Face Off, si John Lloyd Cruz yun,iba ka meeeeen. Pero dapat talaga wag tayo sa panlabas na kaanyuan tumingin. Tulad naming mga lalake, ang tinitignan namin ay yung may busilak na kalooban, kalooban ng kasuotan. Kachow!
Maging kontento sa kung ano meron tayo, kung hindi talaga, lumapit kay Belo.
"But I dont suppose
Its worth the price
Its worth the price
The price that I would pay"
-Barely Breathing by Duncan Sheik-
Kantahin ng paulit ulit hanggang matapos ang 30 minutes sa treadmill.
P.S.
As simple as it is, the Golden Rule must be followed at all times. That's why it's a rule, if there were none, we'd just fling our crap at each other.